I didn't do it...again
Sunday, July 31, 2005
WAAAHHH!!! sa loob ng isang linggo hindi ko na naman mapalitan yung layout ko...!! kasi naman type ako ng type para sa filipino assignment ko, pero buti na lang konti nalang ang kulang.. yung isang assignment sa filipino hindi ko pa naprint mamaya konti hehehe, yung isa naman 3 pagsasanay pa ang hindi tapos.. 7 kasi yun eh... pero buti tapos na yung isa papasa ko na tom. hehe.. pero hindi ko pa tinatapos yung drafting eh.. wala kasi akong template sa circle... waaaa!!! kainis talaga, bibili nga ako bukas para makagawa na.. kainis maglalakad pa ko papuntang SM Manila... bukas may pasok ako wala na naman ako time para magpakasaya dahil tadtad na naman kami ng assignment...
tsaka eto pa... na sabi sa isa kong classmate na bagsak kaming lahat sa Algebra test!!! kainis kasi lintek na word problems at quadratic equations na binigay ni Sir! ang hihirap!!! waaaaa!!! sana may make-up test... sana ulitin... sana... sana... sana.... waaaaaaaaaaaa!!!!! ayoko na!!!! waaaaa....
posted by Sinklaire @ 7/31/2005 07:44:00 PM
To many things
Saturday, July 30, 2005
ang dami kong gagawin may test kami sa NSTP tom. hindi pa ko nag-aaral tapos hindi ko rin tapos yung drafting namin tsaka yung assignment sa filipino LECHE!!...
Yey! good news.. magbabakasyon ang Prof. namin sa filipino sa Australia.. sa january pa ang balik! sayang wala na akong pagtritripan... sino kaya yung bago naming Prof.?!? mapagtritripan kaya namin yon ng aking seatmates..hehehe
sa thursday may concert ng Hale saming school... sayang hindi ako pwede kasi naman kinabukasan may pasok ako maaga pa! tsaka malay ko, baka may test na naman kami sa friday.. ako lang yung mga test "sana" eh ang kaso kelangan ko pang mag-aral ng maigi dahil hindi ako sigurado kung pasado ako doon sa test sa Algebra... LANGYA naman kasi! puro Word Problems... para namang magaling ako doon... dibah?? tapos yung quadratic Equation hindi pa ako sure sa mga sagot ko.. yung iba ay hula lang... naman oh!!
well anyway... bye bye na muna...
posted by Sinklaire @ 7/30/2005 05:17:00 PM
Busy Schedule
Wednesday, July 27, 2005
Oo! sobra as in napakahirap ng schedule... sa friday may quiz na naman kami.. sa algebra naman.. ok lang naman yon kaso yung mga Word Problems ang mahirap para sakin.. pero ilan lang naman ang mahirap.. pero sabi naman samin ni Sir Deo madali lang daw.. hay sana nga madali lang.. pero baka madali para sa kanya hinde samen..
Naalala ko kaninang Filipino, hindi ako masyadong nag-aral e.. wala lang copyahan kami.. ang galing noh? hindi kami pinapansin ng Prof. namin... ang daya nga eh.. mas mataas grade nung nangopya sakin d kasi ako nakacopya sakanya.. hehehe.. hindi bale mataas naman siguro yung 2.5, hindi tulad nung unang quiz na 2.75 ang grade ko... malapit na sa tres (3)!!!
Anyway... bumili me ng set ng compass dyan sa SM Manila... mura lang kasi eh... dun ako bumili sa Deovir, mahal kasi sa National Bookstore!! nagparinig eh... buti na lang malapit SM Manila samin...
Kahapon pala tinanong ako ni Jennica tungkol ngayon.. walang hiya yon! nagtatanong pa siya hindi naman pala ako kasama... hay nako... tapos nagtext pa kanina ask niya yung price nung ticket.. hello?! parang alam ko dibah?!? nakalagay lang yung date at time niya.. at kanino ko naman itatanong kung magkano yung ticket...
o siya sige... may gagawin pa ko... kaya nga BUSY eh!!! bye for now..
posted by Sinklaire @ 7/27/2005 05:11:00 PM
Unfinished business
Monday, July 25, 2005
hay grabe.. inaayos ko yung magiging bago kong layout ng blog pero ang hirap... iba yung lumalabas eh... papaedit ko sana pero baka busy siya... sabihin ko nalang sa kanya mamaya..
lagot d ko pa tapos yung assignment ko for wednesday.. ang hirap kasi eh.. tapos may quiz pa sa Filipino ulet... kainis...
posted by Sinklaire @ 7/25/2005 06:23:00 PM
At Last!!!
Saturday, July 23, 2005
hay salamat! ok na computer namin... kaso hinde pwde maglagay ng games... boring... hinde bale ok lang.. mas kelangan ko computer para sa blog at sa aking mga assignment..
Ui!!!! I'm Back!!! batiin ninyo ako.. hehe joke lang... anyway.. gabi na at yung internet card ko ay paubos na... free lang kase ito.. bigay lang dyan sa tabi-tabi malapit sa mapua... hehe ok nga eh.. walang bayad... yun nga lang 2hours demo lang siya...
Ay! oo nga pala hinde eto permanent na computer namin... sa susunod bibile si papa ng permanent na.. temporary lang ito.. kase kelangan ko lagi computer para sa mga assignment ko e!
Hay nako bukas may pasok ako.. 9pm pa pero syempre kelangan maaga nanaman gumicing... waaaahhh!!! anyway kamusta na ba kayong lahat?!?
nako dami pala nagchachatmessage sakin lalo na si Jeddy... Jeddy!!!! Miss na kita.. daan ka naman Mapua.. sakay ka LRT... hehe
anyway... bukas nalang ulet siguro.. or sa tuesday!! YEY!! la pasok sa monday!!! makakapagpahinga me!!
sige hanggang dito na lang... XD
posted by Sinklaire @ 7/23/2005 10:15:00 PM